Monday, June 06, 2011

Dubai (Deira, Al Shindaga and Saint Mary's) Part 3

Hindi mo mapapansin ang bilis ng araw at oras  dahil sa dami ng pasyalan.  Ang mga Pilipino naman sa tuwing walang pasok ang pasyalan.  Palibhasa buhay  OFW kaya ang mahalaga amg may mauwi para sa mga pamilya at kamag-anak.  Tama nga naman, hindi pinupulot ang pera sa ibang bansa. Kailangan mong magpaalipin at bantayan ang hindi mo tunay na anak samantalang ang tunay mong mahal sa buhay ay hindi mko nagagawa sa loob ng maraming taon.

Bagamat nakapag-adjust na si lovey buhat sa halos tatlong taong nandito hinahanap pa rin nya ang buhay sa Pilipinas at syempre ang makasama ako.  Kaya bawat araw ay aming sinusulit na puntahan ang lugar para sa pansamantalang kasiyahan.

Deira

The Abras-the earliest type of boat in Dubai use for commerce and transportation.
preservation of culture despite of modern development-The Abras are controlled by the Road Transportation Authority
Gold Souk- "market of Gold"
Inside the Gold Souk
Najmat Taiba-The heaviest ring in the world located in the old souk-Deira.  The heaviest gold ring in the world-Najmat Taiba (63.856 kg.)
Deira Clock
St. Mary's Church



inside the Church-in time of celebration of beatification of Pope John Paul II

Al Shindaga
going to earliest settlement of the local people
a typical waiting shed for bus (with aircon)

The entrance of the house-The Al Maktoum family is a branch of Bani Yas tribe-a powerful bedouin clan from the interior of UAE
a typical backyard style of old Dubai House
old boat from Dubai Creek
The Dubai Creek-The old souk or the old market for the merchants located between Bur Dubai and Deira

Friday, June 03, 2011

At iba pa...Dubai Mall, Dubai Aquarium, At The Top and Souk Al Bahar (Part 2)


Kung pasyalan ang pag-uusapan, panalo ang Dubai kahit sa loob ka ng City. Ito rin ang Shopping Capital ng Middle East. Magagalang ang mga citizens nila dito.  Ang iba naman mahahalata mo na mga prinsipe at prinsesa o kya mga Sheikh dahil sa uri ng kanilang pagkilos.  Isa isahin ko mga lugar na hindi lang pasyal kundi mga gimikan.

Burj Dubai

Named after the UAE President Khalifa bin Zayed Al Nahyan.
The tallest man-made structure ever built at 821m (2, 717 ft.)

It's total cost of construction-1.5 Billion Dollars.


Tallest skyscraper to the top of antenna 829.84 m or 2, 723 ft.

Building with most occupied floor:160
Building with world's highest occupied floor:160
World's fastest elevators of 64km/h (40mph) or 18 m/s
World's second highest swimming pool (76th floor).
Highest man made observation in the world (124th floor) at 452 m (1, 483 ft.)
First World's tallest structure in history to include residential place.
World's highest mosque (located at 158th floor)
World's highest restaurant (located at 122nd at the height of 44m (1,450 ft.)
World's highest installation of aluminum and glass facade at the height of 512 m (1, 680 ft.)
World's highest New Year fireworks display.
Highest vertical concrete pumping (406 m or 1, 998 ft.)
-Wikipedia 2011


At the Top
May 8, 2011.. AMAZING. IMAGINE YOU ARE IN 124 FEET IN A MATTER OF ALMOST A MINUTE!
tickets
Go Lovey


 
Sheik Sahyed Road
Project Manager of the Burj Khalifa-A Filipina- Jan Charisse Lou Balaoro


Dubai Mall
Inside the Dubai Mall
Dubai Aquarium

Dubai, Aquarium

Largest Acrylic Panel in the World-Dubai Aquarium
around Gold Souk (Market of Gold)
Cinema

outside Dubai Mall
Souk Al Bahar "market of the sailor"-at daylight

Souk Al Bahar at night time
The Address
The tallest Musical Fountain in the World. according to the locals, the height of the fountain estimate the same of the height of the World Trade Center building here in Dubai


Thursday, June 02, 2011

DUBAI, UNITED ARAB EMIRATES (April 15-May 15 2011) Part 1

Ito ang pinakahihintay kong panahon sapagkat makakapiling ko ang aking asawa after ng mahigit sa isang taon na di pagkikita.   First time ko rin na dumaan sa NAIA kaya medyo kabado again dahil may trauma pa ng experienced sa immigration ng Clark.  
Inside the Cathay Pacific Airplane

Walang gaanong kaba dahil may permit to travel ako na kinuha ko ng napakaaga pero ganun talaga pala kapag government employee.  Hinold na naman ako ng ilang minuto sa immigration at dinala sa room ng immigration para idouble check ang pag-alis ng records ni Lovey.  Alam ko ang pakay nila pero honest to goodness ang pagpunta ko sa Dubai dahil as in bakasyon talaga at wala akong balak magtrabaho.  Medyo kinabahan dahil ilang minuto na lang para sa boarding area para sa flight ng Cathay Pacific via Hongkong to Dubai.  Hindi na ako nakapaglaunch dahil hinahabol ko ang maka on board sa flight kaya medyo kailangan ng pagkain.  Buti, may snack ang Cathay kahit connecting flight.  
Dubai International Airport

Hindi ako nahirapan na mahanap yung no. ng  eroplano sa Hongkong Airport dahil kumpleto sa informational signs. Mahigpit sila in the sense siguro na kakatapos lang yung nangyari na hostage sa Luneta. Napakaganda ng airport na malapit sa dagat at napakalaki. Tunay nga na dating daungan na umunlad dahil sa iba't ibang kalakalan.
morning wake -up

Hindi ako kumuha ng mga pictures dahil baka pa mapagsabihan.  Tumawag rin ako sa Pilipinas para masabi na nasa boarding na ako sa departure area.  More than one hour ang paghihintay at balik uli sa Cathay Pacific.  This time isang napakahabang byaheng tuloy- tuloy na.
view from the Top

Nakatabi ko sa eroplano ang isang Muslim na siguro ay Malaysian.  Order nya palagi na may isang can ng beer kapag nagbigay ng snack at puro pork na halal (kinatay sa makatarungan na paraan).  Ako naman juice at na-enjoy ko yung food dahil kahit economy yung seat turista ang turing sa iyo. 
waiting area in Burjuman Mall

Hindi nakakainip sa eroplano dahil bawat upuan ay may monitor na puede kang maglaro ng games, manood ng videos at makinig ng music.  Nakadalawang movie ako para hindi mabagot sa napakahabang byahe. Glad to know na ipinangalan pala ang Cathay Pacific ng makita ng may-ari sa isang room sa Manila Hotel.
St. Mary's Church, Dubai

Halos walong oras ang byahe at para ring Singapore ang airport nila dahil malapit sa dagat.  Malaki na napakaraming palapag pero hindi ka maliligaw dahil maraming signs.  Okay ang mga documents ko kaya madali  sa immigration. Matagal bago sumagot si lovey sa phone.
at the back, Burj Al-Arab from Jumeirah Beach


Yun pala, what a surprise, paglabas ko ay nasa likod ko na pala at kasama si Ms. Jonah, Paulo at Saleesha na may-ari ng flat na tutuluyan namin.  
ATM Gold at ATLANTIS

Inalala ko sabi ni Lovey na bawal ang kiss sa public kahit mag-asawa. Super tuwa si lovey at long last magkasama uli kami habang papunta sa bahay.  601 Rolla sa Burj Dubai ang address na aming tinuluyan. 
at the Atlantis

Pang-anim na palapag ang kanilang flat at may apat na kuwarto.  Hindi mo mapapansin na mainit palagi dahil centralized ang aircon at pag sa labas ka naman puro building ang mga bahay.  Suwerte sila sa mga kabayan na kasama nya na mabait. Sina Don, Gina, at Dan Dan at yung may-ari.  
outside the Atlantis

Halos hindi ko nakain ang inihandang food ni lovey dahil sa sobrang excited ng muling pagkikita  Tulog muna para makapahinga.
tired

Kinaumagahan tumawag muna ako kina John at Dahls para sa mga padala ni Sir Viray.  Pagdating ng hapon ipinasyal agad ako ni Lovey. First stop, Burjuman Mall na halos kasing laki ng Shangrila pero wow. Kita muna na dito ang Burj Khalifa-Tallest Tower in the World.  Lakad naman parang Singapore pero di mo mapapansin ang init dahil sa ilalim ng building ka naglalakad.  Maraming Indyano at mga European dito.
Inside Atlantis

Sinundo kami ni kuya Edwin para ipasyal sa mga lugar ng Dubai City.  Una, ang St. Marys Church.  Nag-iisang simbahan na katoliko sa Dubai.  Nakakahanga dahil may katabing Moske. Kahit magkaiba sa pananampalataya ay nagkakaisa sa iisang pamumuhay sa lipunan.
Kuya Edwin

Second, ang Jumeirah Beach.  Kita mo na ang Burj AL-Arab.  The only "Seven Star Hotel in the World."   Daming tao dito since public beach.  Bawal ang inuman.  Hindi ka pala makakabili ng alak  kapag wala kang License para sa alak.  Dumaan kami sa Tunnel ng ilalim ng dagat para pumunta sa Palm Dubai kung nasaan ang Atlantis.  Nandito ang mga property nina Micheal Jordan, Tiger Woods at Oprah.
at the top of flat

Dito lang ako nakakita ng ATM na naglalabas ng Gold Bars.  Normal dito ang mga Porche,Ferrari at Jaguar sa lansangan.  Gabi na ng ihatid kami ni kuya sa flat para makapagpahinga.








Sunday, May 08, 2011

Emirates of Fujairah and Sharja

Heto na naman ulit sa isang mahabang pasyalan.  This time sposor ni kuya Edwin ang sasakyan.  Pupunta kami sa Emirates ng Fujairah at  madadaanan uli namin ang Sharjah.  Ang Abu Dhabi ang hindi ko napuntahan sa 7 Emirates ng UAE na syang pinakamayaman.  Nadaanan namin ang isang satelite Airport.
Rocky mountain

Mahabang byahe ng sasakyan sa isang mabatong mabundok na lugar. Marahil walang hikers dito bukod sa matinding init. Huminto kami sa isang tindahan ng mga tropical fruits para sya naming magiging pagkain habang nasa sasakyan. May manga, orange, at grapes. 
Cornice of Fujairah

Dapat dito ililipat si lovey sa Fujairah for promotion pero sabi ko huwag na dahil malayo sa  City.  Ang galing ni kuya Edwin dahil kabisado na nya yung daan. Kailangan kasi sa trabaho nya.  Mahirap kumuha ng drivers license dito. Kapag nakakuha ka naman, advantage mo sa paghahanap ng trabaho.  
white star fish

Una naming hinintuan ang cornice ng Fujairah.  Maraming naliligo ng mga Indyano. Nakakatuwa dahil may mga starfish sa tabi ng dagat.  Nadaanan rin namin ang mga pabrika ng langis sa mga tabi ng dagat.  Walang mga pader at guwardya lamang nagbabantay.    

oil refinery
Sumunod na hinintuan namin ang isang tambayan ng public beach.  Dito talaga maraming tao na nagpipicnic.  Karamihan mga Indyano at Pakistani.  Parang Pilipinas, kanya kanya rin ng dala ng mga baon.
lovey

Pangatlo, namin na hinintuan ang isang burol na batuhan na napakalapit sa dagat. Sinubukan kong akyatin ang isang mataas na bahagi subalit nakakatakot dahil parang magbabagsakan ang mga bato kapag iyong natapakan.  

Napakaganda ng lugar dahil sa haba ng alon na nililikha ng hangin. Iba talagang gumuhit ng larawan ang kalikasan.  
I conquered!

Takot na takot si lovey na dumaan duon sa gilid ng bangin.  Kahit mainit ang araw, maaaliw ka dahil sa sobrang lakas ng hangin. 

Pabalik na kami sa City at nadaanan namin ang kabilang bahagi ng kabundukan na mabato.  Hininto kami ni kuya sa isang hotel-Le Meriden.  
Cold water

Ito ang pinagkaiba sa Pilipinas sa mga hotel.  Papasukin ka ng hindi mahigpit para makita yung mga facilities.  Regular hotel pero kapag pumasok ka parang isang five star hotel.  
CHESS

Madaming mga foreigner na naliligo sa beach.  Maganda mga facilities nila. Good place para marelax ng husto.Ganito yung mga dream place namin ni lovey some other day.

Pahapon ng ng bumalik kami sa City. Naadanan namin ang mga disyerto na may nagmomotor cross at desert safari na syang pangunahing libangan.  
The Past and the Furious

May mangilan-ngilan na pulutong  ng Camel. Again, mahirap masiraan dahil magkabilang panig ay disyerto.  Kita mo rin ang papalubog na araw na mag-aalas otso na.
Sunset

Sa Sharjah, matraffic talaga. Marahil dahil sa mura ang sasakyan dito at mura ang langis.  Diretso kami sa Deira kung saan kumain kami sa isang Arabian Restaurant na kung saan  as in kain talaga.
Desert