Excited ako sa run na ito dahil ito ang una kong trail run sa haba na 10km. Maaga pa ay nagkita na kami ni Ruth sa SM Las Pinas dahil napakalayo ng Tagaytay. Matagal naming nahanap ang lugar dahil sa sobrang layo.
ilang minuto pagkatapos ng takbuhan |
Maaga kami ng dumating sa race venue at marami na ring participants. Napakalamig ng hangin dahil bukod sa madaling araw pa ay napakataas ng lugar. Makikita mo ang kagandahan buhat sa mga bundok at burol na hinulma ng kalikasan.
dinadama ang pakiramdam na matapos ang karera |
Sa unang kilometro ng takbuhan gusto ko na agad na sumuko dahil kaiba sya sa road race. May pagkakataon ako namuntik ng madulas dahil sa damo, sanga o madulas na lupa. Minsan pa nga ay muntik ng matapilok.
masarap sa pakiramdam |
Nang makuha ko na ang normal na takbo, wala na akong pagod na naramdaman. Maraming banyaga na kasali. May pagkakataon sa isang lugar ay may tali na kailangan namin na humawak o kaya umupo dahil sa sobrang tarik ng daanan. May mga bahagi na ako ay naglakad na lamang dahil sa sobrang tarik at minsan naman ay kailangan mo talagang bagalan pababa lalo na sa may bahagi ng semento dahil baka mapabilis ka naman.
ang may kagagawan ng lahat, Ruth |
Natapos ko ang karera sa oras na 1:17:14. Nasa ika-51 nq puwesto akosa kabuuan ng 269 na mananakbo. Isang piging ang inihanda matapos at takbuhan na sya nagpawala ng aming pagod.
isa pa at baliktad pala ang aking finisher shirt...ha...ha... |