Heto na naman ulit sa isang mahabang pasyalan. This time sposor ni kuya Edwin ang sasakyan. Pupunta kami sa Emirates ng Fujairah at madadaanan uli namin ang Sharjah. Ang Abu Dhabi ang hindi ko napuntahan sa 7 Emirates ng UAE na syang pinakamayaman. Nadaanan namin ang isang satelite Airport.
Rocky mountain |
Mahabang byahe ng sasakyan sa isang mabatong mabundok na lugar. Marahil walang hikers dito bukod sa matinding init. Huminto kami sa isang tindahan ng mga tropical fruits para sya naming magiging pagkain habang nasa sasakyan. May manga, orange, at grapes.
Cornice of Fujairah |
Dapat dito ililipat si lovey sa Fujairah for promotion pero sabi ko huwag na dahil malayo sa City. Ang galing ni kuya Edwin dahil kabisado na nya yung daan. Kailangan kasi sa trabaho nya. Mahirap kumuha ng drivers license dito. Kapag nakakuha ka naman, advantage mo sa paghahanap ng trabaho.
white star fish |
Una naming hinintuan ang cornice ng Fujairah. Maraming naliligo ng mga Indyano. Nakakatuwa dahil may mga starfish sa tabi ng dagat. Nadaanan rin namin ang mga pabrika ng langis sa mga tabi ng dagat. Walang mga pader at guwardya lamang nagbabantay.
oil refinery |
Sumunod na hinintuan namin ang isang tambayan ng public beach. Dito talaga maraming tao na nagpipicnic. Karamihan mga Indyano at Pakistani. Parang Pilipinas, kanya kanya rin ng dala ng mga baon.
lovey |
Pangatlo, namin na hinintuan ang isang burol na batuhan na napakalapit sa dagat. Sinubukan kong akyatin ang isang mataas na bahagi subalit nakakatakot dahil parang magbabagsakan ang mga bato kapag iyong natapakan.
Napakaganda ng lugar dahil sa haba ng alon na nililikha ng hangin. Iba talagang gumuhit ng larawan ang kalikasan.
I conquered! |
Takot na takot si lovey na dumaan duon sa gilid ng bangin. Kahit mainit ang araw, maaaliw ka dahil sa sobrang lakas ng hangin.
Pabalik na kami sa City at nadaanan namin ang kabilang bahagi ng kabundukan na mabato. Hininto kami ni kuya sa isang hotel-Le Meriden.
Cold water |
Ito ang pinagkaiba sa Pilipinas sa mga hotel. Papasukin ka ng hindi mahigpit para makita yung mga facilities. Regular hotel pero kapag pumasok ka parang isang five star hotel.
CHESS |
Madaming mga foreigner na naliligo sa beach. Maganda mga facilities nila. Good place para marelax ng husto.Ganito yung mga dream place namin ni lovey some other day.
Pahapon ng ng bumalik kami sa City. Naadanan namin ang mga disyerto na may nagmomotor cross at desert safari na syang pangunahing libangan.
The Past and the Furious |
May mangilan-ngilan na pulutong ng Camel. Again, mahirap masiraan dahil magkabilang panig ay disyerto. Kita mo rin ang papalubog na araw na mag-aalas otso na.
Sunset |
Sa Sharjah, matraffic talaga. Marahil dahil sa mura ang sasakyan dito at mura ang langis. Diretso kami sa Deira kung saan kumain kami sa isang Arabian Restaurant na kung saan as in kain talaga.
Desert |