Thursday, February 12, 2009

SINGAPORE-MALAYSIA (2009)

Nahold ako sa Philippine Immigration sa Clark Airport dahil wala daw akong permit to travel as a government employee kasi dineclare ko na public school teacher ako kaya sina Papa at Mama ang nakaalis.

Very inconsistent ang rules how come na last 2007 ay nakalabas ako na wala ang document na iyon. Kasagsagan kasi ito ng senate hearing sa mga government officials na na-issue ng plunder, kaya damay kaming mga nasa ibaba.  I am hoping pa naman na makaattend ng Chinese New Year kaya within in one day nilakad ko lahat ng papeles at bumili ng new tiket papunta dahil sayang ang pabalik na ticket. January 29 na ako na makaalis ng Pilipinas na walang problema.



Sa Changi Airport sinundo ako ni kuya Harold dahil baka magkaproblema.  Sa Pilipinas lang talaga napakahigpit, ewan ko ba.  Wala pa ring pinagbago ang Singapore matapos ang dalawang taon na nakarating ako dito. Sa bagong bahay nina kuya Harold kami tumuloy na di kalayuan sa Airport-Tampines.


Katulad ng nakagawian, pagdating ng hapon gumala kami sa Ikea at Giant na parang Ace Hardware dito sa Pilipinas.  Ganda ng design ng mga room na nakamaximize ang floor area. 

Dito ko muling nakita ang maraming park ng bicycle sa mga mall na good for the environment.  Namiminimize ang pollution at a form of exercise.


Nang mga sumunod na araw sa Jurong Sports Complex naman kami nagswimming. Imagine 2 Singaporean Dollars ang entrance sa isang public pool. 

It cost 60 pesos sa Pilipinas.  Meron ka ng lazy river, wave pool, slide na 3 different layers at olympic size swimming pool.  

Mainit sa Singapore since na Southern Most Tip sila ng Asian Continent kaya every community may public pool. 

Si Bianca napakagaling lumangoy. Nagmana kay mama at si Rapahael marunong naman din.  


After nito sa katabing Chinese Garden kami pumunta kung saan may manmade na lagoon.  Daming ibat ibang uri ng turtle at syempre di mamawala ang Chinese Temple. 

Nadaanan rin at tanaw namin ang IM Mall na pag-aari ng mga Marcos malapit sa Woodlands.


Syempre Robinsons of Gokongwei, Chinese Garden, Esplanade, Singapore Flyer at Merlion Park again.

 Nadaanan rin namin ang mga historical marker malapit sa City Hall kung saan mababasa mo ang significance ng Indian Army sa history ng Singapore hanggang sa maging bahagi sila ng Federation of Malaya (Malaysia)  gayundin ang St. Andrews Cathedral sa Orchard.


Kapag gabi, time na makausap si lovey via chat na nasa Dubai para magkamustahan at sana magkasama kami.


Di na kami nakapunta ng Batham Indonesia dahil nag Kuala Lumpur kami via Kranji Singapore-Johor Malaysia.  Apat na oras na napakabilis na byahe sa isang napakahabang expressway.  Nadaanan rin namin ang bahagi ng historical Malacca pero sa highway lamang.  

Parang Pilipinas rin, bukod sa kultura at kulay ng mga tao. Akala namin ang laki ng matitipid namin sa taxi from bus terminal dahil kita na ang Petronas yun pala nauto kami ng Driver na ikinuwento pa si Jerico Rosales at Kristine Hermosa (Pangako Sa Iyo) na sikat ang teleserye nila. Yun pala puwede mong malakad  o kaya bus bunga ng kalapitan.


Hindi na kami naka-akyat sa taas ng Petronas Tower dahil sa umaga lamang sila nagpapasok.  Steel tower sya kaya nakakasilaw ang init ng sikat ng araw. Ilang kuha ng larawan at umalis na kami upang hindi mahuli sa bus na mayroong apat na oras uling byahe dahil kung hindi sa Malaysia kami mag oovernight nina Papa at Mama.  Nakakahanga rin sila dahil ang daming flag na nakadisplay para sa kanilang Independence Day.  Pagdating ng Kranji Singapore, last MRT na ang aming nasakyan.  Buti na lang at nakaabot pa dahil kung hindi taxi sa napakalayong byahe. Next target sa Malaysia-Genting.



This time naman nakapasok ako sa Tampines North PrimarySchool kung saan nag-aaral sina Rapahael at Bianca.  Public school pero daig pa ang private   Kumpleto sa facilities at high technology na. Kaya di mo maiiwasan na maicompare  na ba't sa atin ay hindi ganun. Ano ang mali?  Nakapaglaro rin ng basketball sa public court at nakapagjogging sa mapunong public park.


February 7 na ng ako ay umuwi ako ng Pilipinas mag-isa dahil si Papa ay extended ng one month at si Mama one to sawa ang entry nya dahil sa i.d pass Maraming salamat uli kay Kuya Harold para sa ticket...ha...ha...
 


Sunday, November 25, 2007

Singapore-Malaysia (November 11-20, 2007)

First time na makapagtravel abroad with my family.  Super excited with my lovey.  Sa Clark ang aming airport courtesy of Tiger Airways.  Napakalaki ng airport dito comparing to NAIA.
 Kasama ko rin si Papa at aking two sisters, si Sherry at Sarah Jane.


After 3 hours lumapag na kami sa Changi International Airport ng Singapore.  Walang gaanong naging problema dahil kumpleto ang aming mga documents pati sa aking brother na permanent residence na dito.


Ilang saglit pa ay nakita na namin sina kuya harold at ang makukulit kong pamangkin na sina Bianca at Raphael.  Tuwang tuwang sila sa aming pagdating dahil after more than 2 years na pag-alis nila ay muli na kaming magkikita.


Napansin ni lovey ko na parang walang mali sa Singapore habang papunta kami sa Bedok kung nasaan ang bahay ng kapatid ko.  Lahat nasa tama.  Ang mga bahay ay puro gusali at ang mga kalsada ay minomonitor ng camera.  Walang pulis at walang basura sa lansangan.  Kontrolado ng gobyerno ang bus company kaya walang pasaway na driver.


Matapos kumain ng breakfast, nag umpisa kaming mamasyal. Nakakamangha ang MRT nila dahil may three layers at may harang na automatic bago ka makapasok sa pintuan at mero guide na para sa mga disable na kagaya ng sa bulag.  Isang krimen naman ang pagnguya ng bubble gum pag sa loob ka ng MRT.


First stop sa mga naglalakihang Mall malapit sa Orchard Road. Walang makakalimot sa Lucky Plaza dahil ito ang lugar para sa Pilipino. Pati produktong gawa sa Pilipinas dito mo makikita at ang mga kababayan natin na namamasyal sapagkat Linggo.


 Medyo sumakit ang paa ni Lovey dahil puro lakad. Sa bus kapag pumasok ka dapat sa hulihan ka para may lugar sa unahan.  Marami palaging Indyano.


Ilang minuto lang ay nasa Esplanade na kami at makikita muna ang Merlion na syang national Symbol ng Singapore. Para syang malakin Durian lalo na daw sa gabi dahil sa kanyang mailaw. Walang turista ng Singapore na walang kuha dito na syang ginaya namin. Kita mo rin dito ang Singapore Eye na kasalukuyang ginagawa pa lamang.


Pauwi kami ng bahay nang aksidente mabangga ni Lovey ang isang laki at yun pala si Allan na aming classmate sa College.  Maliit talaga ang mundo kaya nagyaya sya na mamasyal sa sumunod na araw.


Sumunod na araw naghatid naman kami sa eskuwelahan ni Bianca at Rapahael. Lakad na naman pero hindi mainit kasi sa ilalim ng building ka dadaan.  Katulad na ng private dito ang public elementary sa Pilipinas. Kumpleto ang pasilidad.

Nakarating naman rin kami sa Chinatown upang makipagkita sa kaibigan ni Lovey sa Bingo na si Beverly.  Ganun rin ang Chinatown sa kanila. Maraming intsik, ha...ha...


Nang yayain naman kami ni Allan ay nagbowling kami.  First time na maglaro ng ganito kaya ung hagis puro kanal pero ng sumunod nakakastrike na.  Di ko makakalimutan ang eat all you can na seafoods, courtesy of Allan.


Nakakapagod ang Sentosa dahil sa sobrang dami ng pasyalan.  Ang ganda ng Harbor Front. 

Sumakay kami ng cable car papasok ng Sentosa.  Una naming nadaanan ang Mt. Faver na syang mataas na bahagi ng Singapore.  


Nakamamangha naman ang mga iba't ibang uri ng species sa dagat sa Underwater World ng Singapore. 

Nakakaaliw ang mga ibat ibang klase ng isda maging ang mga jellyfish.


Pumasok rin kami sa Butterfly and Insect Kingdom na kung saan nakagawa sila ng mapa ng species ng iba't ibang butterfly sa buong mundo.


Nakapanood rin kami ng Dolphin Show at nakapaligo sa man made lagoon na malapit na sa dagat nila. 

Ang pangalan ng Beach...Palawan.Dumating na dito sina ate Divine at mga bata. Inabot kami ng gabi dito at sumakay sila cable at kami naman ang monorail papunta sa Vivo City. Napakalaking mall na parang Shangrila.
Sa Singapore Zoo, nakatutuwa.  

May white Tiger at ang mga ibang ibong at species ng monkey nasa labas ng kulungan. 

Ang Polar Bear at Peguin na may aircon.
Ang mga lion at tiger na syang attarction sa night safari.  Gayundin ang mga Kangaroo, Tortoise at mga rhinoceros.

Last stop na gala ang Johor, Malaysia. Makakapunta ka dito via MRT Kranji then bus.  Tulay lang ang nagdudugtong sa Malysia at Singapore.  Parang Pilipinas rin at dito kami nakaranas ng ulan.  

Kumain kami sa Johor Bahru Square Mcdonalds. As usual hamburger dahil walng rice pero ang softdringks as in large.  Hindi na kami nakapunta ng Kuala Lumpur dahil walong oras ang byaheng balikan.

Napakasayang maglakbay dahil kasama ko ang aking pamilya at syempre libre ang tiket sa eroplano.  Salamat rin kay Kuya Harold. Sa uulitin...ha....ha