Tuesday, May 03, 2011

The Two Emirates- Al, Awir Al Ain (Desert Safari) and Umm Al Quwain (The Cornice)

As usual package ang ticket. Ang maganda hatid-sundo ka from Dubai City to Desert Al Awir, Al Ain (one of the seven Emirates of UAE).  Lima kami sasakyan na turista na sinundo pa malapit sa Mall of the Emirates. Ang mahabang Sheik Sahyed Road ang daan.  Kapag pumunta ka sa disyerto para kang pumunta sa isang probinsya.  
Humid
Syempre, walang mga bahay at kaunting halaman lamang.  Camel ang pangkaraniwang hayop  Mahabang aspalto na daan at ng pumasok na kami sa buhanginan, akala mo tataob ka. 

kami lang ba nandito?
Ang galing ng driver namin.  Kaya nyang dumaan sa matatarik pero hindi humihinto ang sasakyan.  Minsan nakakatakot talaga kasi akala mo tataob kaya si lovey ay napapasigaw. Minsan akala mo kakainin ng buhangin ang buong sasakyan.

May tinigilan kami na cage ng mga camel napakadami. Konting kuha ng larawan at hinto uli para makita kung ano mukha ng disyerto lalo na kapag nakapaa ka.  Ilang minuto lamang ay nasa base camp na kami. Dito na kami magpapaabot ng gabi. 
once in a lifetime experience

Bago pumasok sinubukan namin ni lovey na sumakay ng camel. 

Yumuyuko pala sya at pinapaupo. Kapag nakatayo na kayo  akala mo basketball player ka sa taas.  
The Base Camp

Hindi sya nakakatakot dahil mabait yung camel.  Pagpasok sa loob ng base camp meryenda muna kami ng shawarma na unlimited tapos henna tattoo. Scorpion ang sa akin kay lovey flower.  Kaiba ang henna dito parang lupa ang tinta.  
Scorpion

Unti-unti na ring dumating ang mga ibang 4 x 4 na sasakyan na halos lahat ay kabayan. Ganito ang senaryo dito kapag parating na hapon.
we have visitors

Maya-maya sinubukan naming pumunta sa pinakamataas na bahagi ng base camp para magwake boarding sa buhangin.  
nice try

Nung una nakaupo kami na nagpapaslide sa buhangin at nung marunong na kaming magbalance tumatayo na kami ni lovey.  
ha...ha...

Kita rin namin ang sunset sa disyerto na napakatagal. Imagine, mag aalas otso na ng gabi.  May mga halaman pa rin na kulay green kaya nakapgtataka papaano kaya ito kumukuha ng tubig sa ilalim ng lupa para mabuhay.

Hindi ko sinubukan na magsis-sya yung sigarilyo nila dahil masakit sa lalamunan.  Grabe ang pagkain, eat all you can. Yung nga lang iba ang lasa ng rice pero tolerable.  Yung inihaw na turkey at shawarma ang binalik-balikan ko.
Bravo

Maya maya naman may lalaki na sumayaw. Akala namin ni lovey ay belly dancing yun pala ay kakaiba. Basta kakaiba dahil sa mga nagawa nya sa damit nya. Pang pang PGT.  Sumunod naman ang Belly Dancing na syang tanyag sa Middle East. Mahusay ang nagtanghal.
Isa san napakalayong napuntahan namin ay ang Umm Al Quwain-Isa sa pitong Emirates ng UAE.  Kapag walang pasok nakasanayan na ng mga kabayan dito na pumunta at mamasyal ng sama sama. 

Sinundo muna namin sa Sharjah yung mga ibang dating katrabaho at kaibigan ni Lovey sa Al Fardan. Para kang pumunta ng probinsya sa sobrang layo.  Dalawang taxi kami upang makarating.  Iba ang pakiramdam talaga kapag walang ng tao ang iyong dinadaanan tapos kung meron may ay yung mga bahay na may malawak na bakuran na gawa sa bricks. 
Al Fardan Staffs and Friends

Kaya sabi ko kay Lovey huwag na huwag silang pupunta sa ganitong lugar kung puro mga babae sila.  Cornice pala ay yung tabi ng dagat.  Ang haba ng alon.  Kumpleto sila sa pagkain parang si Mama. Kung sa bagay saan ka nga naman bibili ng pagkain sa ganitong oras ng gabi. 
unity in food

Napakalamig ng simoy ng hangin pero hindi napapansin ng mga kabayan dahil sa konting sandali ay kinakalimutan nila ang hirap ng trabaho at buhay OFW kagaya ni Lovey.  May mga Pilipino na tinulungan namin dahil nabalahaw ang kanilang sasakyan sa buhangin ngunit di na kami nakisabay. 
Cornice of Umm Al Quwain

Napakagaling ng mga taxi driver dito palibhasa naka GPS ang mga taxi.  May kulay ang mga taxi kung saan Emirates sila naka-assign.  Mahirap masiraan dahil magkabilang panig ay disyerto at wala kang ni isang sasakyan na makikita.  Mabibilang mo nga lang ang mga sasakyan mona nakasalubong pero sobrang ganda ng daanan. Hindi na kami bumaba sa Sharjah dahil mag-uumaga na kaya tulu-uloy kami sa bahay.

Sunday, January 30, 2011

XTERRA RUN PHILIPPINES (Tagaytay Highlands)

Excited ako sa run na ito dahil ito ang una kong trail run sa haba na 10km.  Maaga pa ay nagkita na kami ni Ruth sa SM Las Pinas dahil napakalayo ng Tagaytay.  Matagal naming nahanap ang lugar dahil sa sobrang layo.
ilang minuto pagkatapos ng takbuhan


Maaga kami ng dumating sa race venue at marami na ring participants.  Napakalamig ng hangin dahil bukod sa madaling araw pa ay napakataas ng lugar.  Makikita mo ang kagandahan buhat sa mga bundok at burol na hinulma ng kalikasan.
dinadama ang pakiramdam na matapos ang karera

Sa unang kilometro ng takbuhan gusto ko na agad na sumuko dahil kaiba sya sa road race.  May pagkakataon ako namuntik ng madulas dahil sa damo, sanga o madulas na lupa.  Minsan pa nga ay muntik ng matapilok.

masarap sa pakiramdam

Nang makuha ko na ang normal na takbo, wala na akong pagod na naramdaman.  Maraming banyaga na kasali. May pagkakataon sa isang lugar ay may tali na kailangan namin na humawak o kaya umupo dahil sa sobrang tarik ng daanan. May mga bahagi na ako ay naglakad na lamang dahil sa sobrang tarik at minsan naman ay kailangan mo talagang bagalan pababa lalo na sa may bahagi ng semento dahil baka mapabilis ka naman.
ang may kagagawan ng lahat, Ruth

Natapos ko ang karera sa oras na 1:17:14.  Nasa ika-51 nq puwesto akosa kabuuan ng 269 na mananakbo.   Isang piging ang inihanda matapos at takbuhan na sya nagpawala ng aming pagod.
isa pa at baliktad pala ang aking finisher shirt...ha...ha...

Thursday, February 12, 2009

SINGAPORE-MALAYSIA (2009)

Nahold ako sa Philippine Immigration sa Clark Airport dahil wala daw akong permit to travel as a government employee kasi dineclare ko na public school teacher ako kaya sina Papa at Mama ang nakaalis.

Very inconsistent ang rules how come na last 2007 ay nakalabas ako na wala ang document na iyon. Kasagsagan kasi ito ng senate hearing sa mga government officials na na-issue ng plunder, kaya damay kaming mga nasa ibaba.  I am hoping pa naman na makaattend ng Chinese New Year kaya within in one day nilakad ko lahat ng papeles at bumili ng new tiket papunta dahil sayang ang pabalik na ticket. January 29 na ako na makaalis ng Pilipinas na walang problema.



Sa Changi Airport sinundo ako ni kuya Harold dahil baka magkaproblema.  Sa Pilipinas lang talaga napakahigpit, ewan ko ba.  Wala pa ring pinagbago ang Singapore matapos ang dalawang taon na nakarating ako dito. Sa bagong bahay nina kuya Harold kami tumuloy na di kalayuan sa Airport-Tampines.


Katulad ng nakagawian, pagdating ng hapon gumala kami sa Ikea at Giant na parang Ace Hardware dito sa Pilipinas.  Ganda ng design ng mga room na nakamaximize ang floor area. 

Dito ko muling nakita ang maraming park ng bicycle sa mga mall na good for the environment.  Namiminimize ang pollution at a form of exercise.


Nang mga sumunod na araw sa Jurong Sports Complex naman kami nagswimming. Imagine 2 Singaporean Dollars ang entrance sa isang public pool. 

It cost 60 pesos sa Pilipinas.  Meron ka ng lazy river, wave pool, slide na 3 different layers at olympic size swimming pool.  

Mainit sa Singapore since na Southern Most Tip sila ng Asian Continent kaya every community may public pool. 

Si Bianca napakagaling lumangoy. Nagmana kay mama at si Rapahael marunong naman din.  


After nito sa katabing Chinese Garden kami pumunta kung saan may manmade na lagoon.  Daming ibat ibang uri ng turtle at syempre di mamawala ang Chinese Temple. 

Nadaanan rin at tanaw namin ang IM Mall na pag-aari ng mga Marcos malapit sa Woodlands.


Syempre Robinsons of Gokongwei, Chinese Garden, Esplanade, Singapore Flyer at Merlion Park again.

 Nadaanan rin namin ang mga historical marker malapit sa City Hall kung saan mababasa mo ang significance ng Indian Army sa history ng Singapore hanggang sa maging bahagi sila ng Federation of Malaya (Malaysia)  gayundin ang St. Andrews Cathedral sa Orchard.


Kapag gabi, time na makausap si lovey via chat na nasa Dubai para magkamustahan at sana magkasama kami.


Di na kami nakapunta ng Batham Indonesia dahil nag Kuala Lumpur kami via Kranji Singapore-Johor Malaysia.  Apat na oras na napakabilis na byahe sa isang napakahabang expressway.  Nadaanan rin namin ang bahagi ng historical Malacca pero sa highway lamang.  

Parang Pilipinas rin, bukod sa kultura at kulay ng mga tao. Akala namin ang laki ng matitipid namin sa taxi from bus terminal dahil kita na ang Petronas yun pala nauto kami ng Driver na ikinuwento pa si Jerico Rosales at Kristine Hermosa (Pangako Sa Iyo) na sikat ang teleserye nila. Yun pala puwede mong malakad  o kaya bus bunga ng kalapitan.


Hindi na kami naka-akyat sa taas ng Petronas Tower dahil sa umaga lamang sila nagpapasok.  Steel tower sya kaya nakakasilaw ang init ng sikat ng araw. Ilang kuha ng larawan at umalis na kami upang hindi mahuli sa bus na mayroong apat na oras uling byahe dahil kung hindi sa Malaysia kami mag oovernight nina Papa at Mama.  Nakakahanga rin sila dahil ang daming flag na nakadisplay para sa kanilang Independence Day.  Pagdating ng Kranji Singapore, last MRT na ang aming nasakyan.  Buti na lang at nakaabot pa dahil kung hindi taxi sa napakalayong byahe. Next target sa Malaysia-Genting.



This time naman nakapasok ako sa Tampines North PrimarySchool kung saan nag-aaral sina Rapahael at Bianca.  Public school pero daig pa ang private   Kumpleto sa facilities at high technology na. Kaya di mo maiiwasan na maicompare  na ba't sa atin ay hindi ganun. Ano ang mali?  Nakapaglaro rin ng basketball sa public court at nakapagjogging sa mapunong public park.


February 7 na ng ako ay umuwi ako ng Pilipinas mag-isa dahil si Papa ay extended ng one month at si Mama one to sawa ang entry nya dahil sa i.d pass Maraming salamat uli kay Kuya Harold para sa ticket...ha...ha...
 


Sunday, November 25, 2007

Singapore-Malaysia (November 11-20, 2007)

First time na makapagtravel abroad with my family.  Super excited with my lovey.  Sa Clark ang aming airport courtesy of Tiger Airways.  Napakalaki ng airport dito comparing to NAIA.
 Kasama ko rin si Papa at aking two sisters, si Sherry at Sarah Jane.


After 3 hours lumapag na kami sa Changi International Airport ng Singapore.  Walang gaanong naging problema dahil kumpleto ang aming mga documents pati sa aking brother na permanent residence na dito.


Ilang saglit pa ay nakita na namin sina kuya harold at ang makukulit kong pamangkin na sina Bianca at Raphael.  Tuwang tuwang sila sa aming pagdating dahil after more than 2 years na pag-alis nila ay muli na kaming magkikita.


Napansin ni lovey ko na parang walang mali sa Singapore habang papunta kami sa Bedok kung nasaan ang bahay ng kapatid ko.  Lahat nasa tama.  Ang mga bahay ay puro gusali at ang mga kalsada ay minomonitor ng camera.  Walang pulis at walang basura sa lansangan.  Kontrolado ng gobyerno ang bus company kaya walang pasaway na driver.


Matapos kumain ng breakfast, nag umpisa kaming mamasyal. Nakakamangha ang MRT nila dahil may three layers at may harang na automatic bago ka makapasok sa pintuan at mero guide na para sa mga disable na kagaya ng sa bulag.  Isang krimen naman ang pagnguya ng bubble gum pag sa loob ka ng MRT.


First stop sa mga naglalakihang Mall malapit sa Orchard Road. Walang makakalimot sa Lucky Plaza dahil ito ang lugar para sa Pilipino. Pati produktong gawa sa Pilipinas dito mo makikita at ang mga kababayan natin na namamasyal sapagkat Linggo.


 Medyo sumakit ang paa ni Lovey dahil puro lakad. Sa bus kapag pumasok ka dapat sa hulihan ka para may lugar sa unahan.  Marami palaging Indyano.


Ilang minuto lang ay nasa Esplanade na kami at makikita muna ang Merlion na syang national Symbol ng Singapore. Para syang malakin Durian lalo na daw sa gabi dahil sa kanyang mailaw. Walang turista ng Singapore na walang kuha dito na syang ginaya namin. Kita mo rin dito ang Singapore Eye na kasalukuyang ginagawa pa lamang.


Pauwi kami ng bahay nang aksidente mabangga ni Lovey ang isang laki at yun pala si Allan na aming classmate sa College.  Maliit talaga ang mundo kaya nagyaya sya na mamasyal sa sumunod na araw.


Sumunod na araw naghatid naman kami sa eskuwelahan ni Bianca at Rapahael. Lakad na naman pero hindi mainit kasi sa ilalim ng building ka dadaan.  Katulad na ng private dito ang public elementary sa Pilipinas. Kumpleto ang pasilidad.

Nakarating naman rin kami sa Chinatown upang makipagkita sa kaibigan ni Lovey sa Bingo na si Beverly.  Ganun rin ang Chinatown sa kanila. Maraming intsik, ha...ha...


Nang yayain naman kami ni Allan ay nagbowling kami.  First time na maglaro ng ganito kaya ung hagis puro kanal pero ng sumunod nakakastrike na.  Di ko makakalimutan ang eat all you can na seafoods, courtesy of Allan.


Nakakapagod ang Sentosa dahil sa sobrang dami ng pasyalan.  Ang ganda ng Harbor Front. 

Sumakay kami ng cable car papasok ng Sentosa.  Una naming nadaanan ang Mt. Faver na syang mataas na bahagi ng Singapore.  


Nakamamangha naman ang mga iba't ibang uri ng species sa dagat sa Underwater World ng Singapore. 

Nakakaaliw ang mga ibat ibang klase ng isda maging ang mga jellyfish.


Pumasok rin kami sa Butterfly and Insect Kingdom na kung saan nakagawa sila ng mapa ng species ng iba't ibang butterfly sa buong mundo.


Nakapanood rin kami ng Dolphin Show at nakapaligo sa man made lagoon na malapit na sa dagat nila. 

Ang pangalan ng Beach...Palawan.Dumating na dito sina ate Divine at mga bata. Inabot kami ng gabi dito at sumakay sila cable at kami naman ang monorail papunta sa Vivo City. Napakalaking mall na parang Shangrila.
Sa Singapore Zoo, nakatutuwa.  

May white Tiger at ang mga ibang ibong at species ng monkey nasa labas ng kulungan. 

Ang Polar Bear at Peguin na may aircon.
Ang mga lion at tiger na syang attarction sa night safari.  Gayundin ang mga Kangaroo, Tortoise at mga rhinoceros.

Last stop na gala ang Johor, Malaysia. Makakapunta ka dito via MRT Kranji then bus.  Tulay lang ang nagdudugtong sa Malysia at Singapore.  Parang Pilipinas rin at dito kami nakaranas ng ulan.  

Kumain kami sa Johor Bahru Square Mcdonalds. As usual hamburger dahil walng rice pero ang softdringks as in large.  Hindi na kami nakapunta ng Kuala Lumpur dahil walong oras ang byaheng balikan.

Napakasayang maglakbay dahil kasama ko ang aking pamilya at syempre libre ang tiket sa eroplano.  Salamat rin kay Kuya Harold. Sa uulitin...ha....ha