Friday, April 27, 2012

Extreme Trail Run-TNF 100

"It was tough, punishing, and tiring but still rewarding."
Mula sa larawan ni Alman Dave Quiboquibo
Bakit kailangan gawin mo iyan? Minsan medyo pilosopo (runner's circle) ang pagsagot ko kapag tinatanong ako bakit kailangang kong sumali sa mga ganitong pagkakakataon, " Para pahirapan ang sarili ko." Isang itong kuwento ng aking "pagpapakapagod" batay sa pagtakbo ko sa The North Face 100 sa Baguio, Benguet.
mula sa larawan ni Martyn Politchay

Umaga pa lang ng Ika-20 ng Abril, umakyat na ako patungong Baguio. Una para makahabol sa briefing ng runners sa R.O.X. Camp John Hay kahit hindi kailangan para sa kagaya kong 22k runner at ikalawa, makatakbo sa high altitude na kagaya ng Baguio ng isang beses bilang paraan ng paghahanda. 

Marami ng kasali sa 50k at 100k (Ultra-Marathon) ang handa na kahit briefing pa lang. Sa gamit pa lang, kitang-kita mo na pinaghandaan nila talaga ito kumpara sa akin na wala lang "charge to experience). Kahit di kailangan para sa aking kategorya,seryoso ako na nakinig. Katwiran ko Trail Run ito. Bukod sa nakita ko yung mga karaniwang kong nakakasabay sa road race sa Manila, nandun rin ang aking kamag-aral sa Graduate Studies na si G. Neville Manaois na syang Race Director. Hindi mawala sa aking isipan ang sinabi ni Dr. Ted Esguerra na "ALTITUDE HAS ATTITUDE" habang paalis ako ng Camp John Hay para maghanap ng aking tutuluyan. 



Maraming salamat at nakita ko rin ang bahay na aking tutuluyan na syang kababata (Shiela at Mark Kalalo) sa Manila. Dalawang oras ng pahinga sa mahigit pitong oras na napakabagal na paglalakbay sa bus kailangan ko na tumakbo sa Burnham Park.
mula sa larawan ni Martyn Politchay



Para rin palang Luneta, ang malaking pinagkaiba ay napakalamig dito. Noong una hindi ko ramdam ang pananakit ng binti. Marahil bunga ng takbong-pagsasanay ko (Earth Run at BDO Race for Life) at sa Maysilo Circle. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang epekto ng manipis na hangin kaya hindi ko pinilit ang sarili ko dahil kailangan ko ang lakas sa Linggo.
mula sa larawan ni Martyn Politchay



Ika-21 ng Abril, Sabado, bilang bahagi pa rin ng aking pagsasanay, lakad-dito lakad-duon ang aking ginawa. Mula sa bahay, Session Road, Burnham uli, Baguio Museum, SM Baguio, Victory Liner, Cathedral at pabalik uli ng bahay. Hindi naman ramdam ang pagod kaya sabi ko baka medyo naka-adapt na yung pangangatawan ko sa altitude.
Mula sa larawan ni Alman Dave Quiboquibo 


Mas maaga ako sa aking alarm clock tulad ng aking nakagawian. Excited yata. Ramdam ko ang napakalamig na panahon habang sakay ako ng taxi patungong Camp John Hay ng mga oras na iyon. "This is it" ang aking sambit pagbaba ko ng sasakyan. Nabalitaan ko rin na ang unang natapos sa 100k (Iker Carera) kung saan kinuha nya lang ng 12 hours. Investment rin ang pagtakbo mula sa kasuotan hanggang sa hyration bag/belt/gear mula sa nakita ko sa mga runners.



Unang kilometro ng takbuhan hindi ko pa ramdam ang hirap kaya medyo mayabang pa ako. Subalit ng nasa 3km na ko ramdam ko na ang epekto ng nipis ng hangin. Pumasok na naman sa aking isipan ang sinabi ni Dr. Ted, "altitude has attitude." Kahit maganda ang tanawin dahil sa mga Pine Trees na syang pangunahing landscape ng kalikasan at mabango at malamig na simoy ng hangin ay hindi ko na nakuhang matuwa kasi nariyan ang bangin at unti-unting epekto ng pagtakbo.
rest



Ilang beses ako na muntik madapa buhat sa mga ugat ng puno na nakalabas sa lupa. Minsan nga, akala nung nasa likod ko ay muntik ako madulas, sabi ko sumigaw lang ako dahil kakilala ko yung nakasalubong ko. Minsan gusto ko ng sumuko dahil baka nga ma-injury pa ako pero sabi ko kakayanin ko ito at sa motivation rin ng mga kasabay ko na runners. Ilang beses ko na hinahabol ang aking hininga lalo na kapag paakyat ang trail. Mas maingat ang pagtakbo ko kapag pababa kaysa pag-akyat kasi mas malaki ang probability ng injury.
mula sa God's Wind Event

Nang pangalawang labas namin sa kagubatan akala ko nasa kalahati na kami ng 22k yun pala ilang metro na lang ay Finish Line na pala. Yun na pala yun. Nakakataba ng puso at nakakatuwa rin kasi pagdating mo ng finish line pinalakpakan ako ng ibang mga runners kahit hindi mo sila kakila. 
Entrance ng R.O.X. Camp John Hay


Pagdating ko ng finish line, parang bitin.  Unang nasa isip ko parang mas malakas ako sa trail run kasi walang pang 2 oras na syang oras ko sa 21k. Pero hindi, nag-assume na ako na aabutin ako ng 2 oras at 30 minuto dahil trail run at 22k ito. Ang totoo based from the organizers, shortened ang route sa 22k at 11k dahil sa "safety and security ng runners" na syang tama, nakatapos ka nga may injury ka naman.
sa wakas!



Ramdam ko man ang pagod at talagang nahirapan ako, wala akong pagsisi at panghihinayang na tapusin ang takbo na ito. Napatunayan kong muli sa sarili kung hanggang saan ang kaya ko. Isa pang nakakatuwa sa TNF 100, hindi lang sila nag-organize ng event na ito for competition but yung advocacy to run green by requiring all runners to used hydration bag/belt/gear na in a way mamiminimize ang impact ng using of cups as means of hydration. As my friend say, "this will help to change the perpectives and behavior of runners towards future runs.' Kaya iniisip ko next time 50k or 100k ng TNF?
mahigit ilang taon ng di-pagkikta..asawa ni Ate Rose

Monday, June 06, 2011

Dubai (Deira, Al Shindaga and Saint Mary's) Part 3

Hindi mo mapapansin ang bilis ng araw at oras  dahil sa dami ng pasyalan.  Ang mga Pilipino naman sa tuwing walang pasok ang pasyalan.  Palibhasa buhay  OFW kaya ang mahalaga amg may mauwi para sa mga pamilya at kamag-anak.  Tama nga naman, hindi pinupulot ang pera sa ibang bansa. Kailangan mong magpaalipin at bantayan ang hindi mo tunay na anak samantalang ang tunay mong mahal sa buhay ay hindi mko nagagawa sa loob ng maraming taon.

Bagamat nakapag-adjust na si lovey buhat sa halos tatlong taong nandito hinahanap pa rin nya ang buhay sa Pilipinas at syempre ang makasama ako.  Kaya bawat araw ay aming sinusulit na puntahan ang lugar para sa pansamantalang kasiyahan.

Deira

The Abras-the earliest type of boat in Dubai use for commerce and transportation.
preservation of culture despite of modern development-The Abras are controlled by the Road Transportation Authority
Gold Souk- "market of Gold"
Inside the Gold Souk
Najmat Taiba-The heaviest ring in the world located in the old souk-Deira.  The heaviest gold ring in the world-Najmat Taiba (63.856 kg.)
Deira Clock
St. Mary's Church



inside the Church-in time of celebration of beatification of Pope John Paul II

Al Shindaga
going to earliest settlement of the local people
a typical waiting shed for bus (with aircon)

The entrance of the house-The Al Maktoum family is a branch of Bani Yas tribe-a powerful bedouin clan from the interior of UAE
a typical backyard style of old Dubai House
old boat from Dubai Creek
The Dubai Creek-The old souk or the old market for the merchants located between Bur Dubai and Deira

Friday, June 03, 2011

At iba pa...Dubai Mall, Dubai Aquarium, At The Top and Souk Al Bahar (Part 2)


Kung pasyalan ang pag-uusapan, panalo ang Dubai kahit sa loob ka ng City. Ito rin ang Shopping Capital ng Middle East. Magagalang ang mga citizens nila dito.  Ang iba naman mahahalata mo na mga prinsipe at prinsesa o kya mga Sheikh dahil sa uri ng kanilang pagkilos.  Isa isahin ko mga lugar na hindi lang pasyal kundi mga gimikan.

Burj Dubai

Named after the UAE President Khalifa bin Zayed Al Nahyan.
The tallest man-made structure ever built at 821m (2, 717 ft.)

It's total cost of construction-1.5 Billion Dollars.


Tallest skyscraper to the top of antenna 829.84 m or 2, 723 ft.

Building with most occupied floor:160
Building with world's highest occupied floor:160
World's fastest elevators of 64km/h (40mph) or 18 m/s
World's second highest swimming pool (76th floor).
Highest man made observation in the world (124th floor) at 452 m (1, 483 ft.)
First World's tallest structure in history to include residential place.
World's highest mosque (located at 158th floor)
World's highest restaurant (located at 122nd at the height of 44m (1,450 ft.)
World's highest installation of aluminum and glass facade at the height of 512 m (1, 680 ft.)
World's highest New Year fireworks display.
Highest vertical concrete pumping (406 m or 1, 998 ft.)
-Wikipedia 2011


At the Top
May 8, 2011.. AMAZING. IMAGINE YOU ARE IN 124 FEET IN A MATTER OF ALMOST A MINUTE!
tickets
Go Lovey


 
Sheik Sahyed Road
Project Manager of the Burj Khalifa-A Filipina- Jan Charisse Lou Balaoro


Dubai Mall
Inside the Dubai Mall
Dubai Aquarium

Dubai, Aquarium

Largest Acrylic Panel in the World-Dubai Aquarium
around Gold Souk (Market of Gold)
Cinema

outside Dubai Mall
Souk Al Bahar "market of the sailor"-at daylight

Souk Al Bahar at night time
The Address
The tallest Musical Fountain in the World. according to the locals, the height of the fountain estimate the same of the height of the World Trade Center building here in Dubai


Thursday, June 02, 2011

DUBAI, UNITED ARAB EMIRATES (April 15-May 15 2011) Part 1

Ito ang pinakahihintay kong panahon sapagkat makakapiling ko ang aking asawa after ng mahigit sa isang taon na di pagkikita.   First time ko rin na dumaan sa NAIA kaya medyo kabado again dahil may trauma pa ng experienced sa immigration ng Clark.  
Inside the Cathay Pacific Airplane

Walang gaanong kaba dahil may permit to travel ako na kinuha ko ng napakaaga pero ganun talaga pala kapag government employee.  Hinold na naman ako ng ilang minuto sa immigration at dinala sa room ng immigration para idouble check ang pag-alis ng records ni Lovey.  Alam ko ang pakay nila pero honest to goodness ang pagpunta ko sa Dubai dahil as in bakasyon talaga at wala akong balak magtrabaho.  Medyo kinabahan dahil ilang minuto na lang para sa boarding area para sa flight ng Cathay Pacific via Hongkong to Dubai.  Hindi na ako nakapaglaunch dahil hinahabol ko ang maka on board sa flight kaya medyo kailangan ng pagkain.  Buti, may snack ang Cathay kahit connecting flight.  
Dubai International Airport

Hindi ako nahirapan na mahanap yung no. ng  eroplano sa Hongkong Airport dahil kumpleto sa informational signs. Mahigpit sila in the sense siguro na kakatapos lang yung nangyari na hostage sa Luneta. Napakaganda ng airport na malapit sa dagat at napakalaki. Tunay nga na dating daungan na umunlad dahil sa iba't ibang kalakalan.
morning wake -up

Hindi ako kumuha ng mga pictures dahil baka pa mapagsabihan.  Tumawag rin ako sa Pilipinas para masabi na nasa boarding na ako sa departure area.  More than one hour ang paghihintay at balik uli sa Cathay Pacific.  This time isang napakahabang byaheng tuloy- tuloy na.
view from the Top

Nakatabi ko sa eroplano ang isang Muslim na siguro ay Malaysian.  Order nya palagi na may isang can ng beer kapag nagbigay ng snack at puro pork na halal (kinatay sa makatarungan na paraan).  Ako naman juice at na-enjoy ko yung food dahil kahit economy yung seat turista ang turing sa iyo. 
waiting area in Burjuman Mall

Hindi nakakainip sa eroplano dahil bawat upuan ay may monitor na puede kang maglaro ng games, manood ng videos at makinig ng music.  Nakadalawang movie ako para hindi mabagot sa napakahabang byahe. Glad to know na ipinangalan pala ang Cathay Pacific ng makita ng may-ari sa isang room sa Manila Hotel.
St. Mary's Church, Dubai

Halos walong oras ang byahe at para ring Singapore ang airport nila dahil malapit sa dagat.  Malaki na napakaraming palapag pero hindi ka maliligaw dahil maraming signs.  Okay ang mga documents ko kaya madali  sa immigration. Matagal bago sumagot si lovey sa phone.
at the back, Burj Al-Arab from Jumeirah Beach


Yun pala, what a surprise, paglabas ko ay nasa likod ko na pala at kasama si Ms. Jonah, Paulo at Saleesha na may-ari ng flat na tutuluyan namin.  
ATM Gold at ATLANTIS

Inalala ko sabi ni Lovey na bawal ang kiss sa public kahit mag-asawa. Super tuwa si lovey at long last magkasama uli kami habang papunta sa bahay.  601 Rolla sa Burj Dubai ang address na aming tinuluyan. 
at the Atlantis

Pang-anim na palapag ang kanilang flat at may apat na kuwarto.  Hindi mo mapapansin na mainit palagi dahil centralized ang aircon at pag sa labas ka naman puro building ang mga bahay.  Suwerte sila sa mga kabayan na kasama nya na mabait. Sina Don, Gina, at Dan Dan at yung may-ari.  
outside the Atlantis

Halos hindi ko nakain ang inihandang food ni lovey dahil sa sobrang excited ng muling pagkikita  Tulog muna para makapahinga.
tired

Kinaumagahan tumawag muna ako kina John at Dahls para sa mga padala ni Sir Viray.  Pagdating ng hapon ipinasyal agad ako ni Lovey. First stop, Burjuman Mall na halos kasing laki ng Shangrila pero wow. Kita muna na dito ang Burj Khalifa-Tallest Tower in the World.  Lakad naman parang Singapore pero di mo mapapansin ang init dahil sa ilalim ng building ka naglalakad.  Maraming Indyano at mga European dito.
Inside Atlantis

Sinundo kami ni kuya Edwin para ipasyal sa mga lugar ng Dubai City.  Una, ang St. Marys Church.  Nag-iisang simbahan na katoliko sa Dubai.  Nakakahanga dahil may katabing Moske. Kahit magkaiba sa pananampalataya ay nagkakaisa sa iisang pamumuhay sa lipunan.
Kuya Edwin

Second, ang Jumeirah Beach.  Kita mo na ang Burj AL-Arab.  The only "Seven Star Hotel in the World."   Daming tao dito since public beach.  Bawal ang inuman.  Hindi ka pala makakabili ng alak  kapag wala kang License para sa alak.  Dumaan kami sa Tunnel ng ilalim ng dagat para pumunta sa Palm Dubai kung nasaan ang Atlantis.  Nandito ang mga property nina Micheal Jordan, Tiger Woods at Oprah.
at the top of flat

Dito lang ako nakakita ng ATM na naglalabas ng Gold Bars.  Normal dito ang mga Porche,Ferrari at Jaguar sa lansangan.  Gabi na ng ihatid kami ni kuya sa flat para makapagpahinga.