Ito ang pinakahihintay kong panahon sapagkat makakapiling ko ang aking asawa after ng mahigit sa isang taon na di pagkikita. First time ko rin na dumaan sa NAIA kaya medyo kabado again dahil may trauma pa ng experienced sa immigration ng Clark.
 |
Inside the Cathay Pacific Airplane |
Walang gaanong kaba dahil may permit to travel ako na kinuha ko ng napakaaga pero ganun talaga pala kapag government employee. Hinold na naman ako ng ilang minuto sa immigration at dinala sa room ng immigration para idouble check ang pag-alis ng records ni Lovey. Alam ko ang pakay nila pero honest to goodness ang pagpunta ko sa Dubai dahil as in bakasyon talaga at wala akong balak magtrabaho. Medyo kinabahan dahil ilang minuto na lang para sa boarding area para sa flight ng Cathay Pacific via Hongkong to Dubai. Hindi na ako nakapaglaunch dahil hinahabol ko ang maka on board sa flight kaya medyo kailangan ng pagkain. Buti, may snack ang Cathay kahit connecting flight.
 |
Dubai International Airport |
Hindi ako nahirapan na mahanap yung no. ng eroplano sa Hongkong Airport dahil kumpleto sa informational signs. Mahigpit sila in the sense siguro na kakatapos lang yung nangyari na hostage sa Luneta. Napakaganda ng airport na malapit sa dagat at napakalaki. Tunay nga na dating daungan na umunlad dahil sa iba't ibang kalakalan.
 |
morning wake -up |
Hindi ako kumuha ng mga pictures dahil baka pa mapagsabihan. Tumawag rin ako sa Pilipinas para masabi na nasa boarding na ako sa departure area. More than one hour ang paghihintay at balik uli sa Cathay Pacific. This time isang napakahabang byaheng tuloy- tuloy na.
 |
view from the Top |
Nakatabi ko sa eroplano ang isang Muslim na siguro ay Malaysian. Order nya palagi na may isang can ng beer kapag nagbigay ng snack at puro pork na halal (kinatay sa makatarungan na paraan). Ako naman juice at na-enjoy ko yung food dahil kahit economy yung seat turista ang turing sa iyo.
 |
waiting area in Burjuman Mall |
Hindi nakakainip sa eroplano dahil bawat upuan ay may monitor na puede kang maglaro ng games, manood ng videos at makinig ng music. Nakadalawang movie ako para hindi mabagot sa napakahabang byahe. Glad to know na ipinangalan pala ang Cathay Pacific ng makita ng may-ari sa isang room sa Manila Hotel.
 |
St. Mary's Church, Dubai |
Halos walong oras ang byahe at para ring Singapore ang airport nila dahil malapit sa dagat. Malaki na napakaraming palapag pero hindi ka maliligaw dahil maraming signs. Okay ang mga documents ko kaya madali sa immigration. Matagal bago sumagot si lovey sa phone.
 |
at the back, Burj Al-Arab from Jumeirah Beach |
Yun pala, what a surprise, paglabas ko ay nasa likod ko na pala at kasama si Ms. Jonah, Paulo at Saleesha na may-ari ng flat na tutuluyan namin.
 |
ATM Gold at ATLANTIS |
Inalala ko sabi ni Lovey na bawal ang kiss sa public kahit mag-asawa. Super tuwa si lovey at long last magkasama uli kami habang papunta sa bahay. 601 Rolla sa Burj Dubai ang address na aming tinuluyan.
 |
at the Atlantis |
Pang-anim na palapag ang kanilang flat at may apat na kuwarto. Hindi mo mapapansin na mainit palagi dahil centralized ang aircon at pag sa labas ka naman puro building ang mga bahay. Suwerte sila sa mga kabayan na kasama nya na mabait. Sina Don, Gina, at Dan Dan at yung may-ari.
 |
outside the Atlantis |
Halos hindi ko nakain ang inihandang food ni lovey dahil sa sobrang excited ng muling pagkikita Tulog muna para makapahinga.
 |
tired |
Kinaumagahan tumawag muna ako kina John at Dahls para sa mga padala ni Sir Viray. Pagdating ng hapon ipinasyal agad ako ni Lovey. First stop, Burjuman Mall na halos kasing laki ng Shangrila pero wow. Kita muna na dito ang Burj Khalifa-Tallest Tower in the World. Lakad naman parang Singapore pero di mo mapapansin ang init dahil sa ilalim ng building ka naglalakad. Maraming Indyano at mga European dito.
 |
Inside Atlantis |
Sinundo kami ni kuya Edwin para ipasyal sa mga lugar ng Dubai City. Una, ang St. Marys Church. Nag-iisang simbahan na katoliko sa Dubai. Nakakahanga dahil may katabing Moske. Kahit magkaiba sa pananampalataya ay nagkakaisa sa iisang pamumuhay sa lipunan.
 |
Kuya Edwin |
Second, ang Jumeirah Beach. Kita mo na ang Burj AL-Arab. The only "Seven Star Hotel in the World." Daming tao dito since public beach. Bawal ang inuman. Hindi ka pala makakabili ng alak kapag wala kang License para sa alak. Dumaan kami sa Tunnel ng ilalim ng dagat para pumunta sa Palm Dubai kung nasaan ang Atlantis. Nandito ang mga property nina Micheal Jordan, Tiger Woods at Oprah.
 |
at the top of flat |
Dito lang ako nakakita ng ATM na naglalabas ng Gold Bars. Normal dito ang mga Porche,Ferrari at Jaguar sa lansangan. Gabi na ng ihatid kami ni kuya sa flat para makapagpahinga.