 |
Tanay, Rizal |
Pinakamahaba sa aking natakbuhan lalo na't hindi lang sya 24 Kilometer batay sa GPS ng ibang tumakbo. Akala ko hindi ko ito matatapos dahil naghahanap na ako ng medical assistance dahil laspag na tuhod ko buhat sa mahabang pababa na bahagi ng daanan at ang kakulangan ng tubig ng organizer kaya hingal kabayo na..
 |
malapit sa simula ng ilog matapos ang mahabang pagbaba. |
Mayaman ang lugar sa kagubatan kung saan makikita ang kabundukan ng Sierra Madre. Unti-unti na rin makikita mo ang patuloy na kooperasyon ng mamamayan sa pangangalaga ng mamamayan sa kalikasan.
 |
dalawang ilog pa ang tatawirin matapos nito |
Nagpapalamat ako sa mga taong nadaanan sa Barrio na nagbigay ng tulong at napagpasyahan ko na tapusin kahit umaangal na ang aking katawan na gusto naman ng aking isipan. Mahalaga na ligtas na matapos kaysa naabot mo nga ang finish line mayroon ka namang injury.
 |
balik sa mahabang takbuhan sa lupa |
Sa kabuuan maganda pa rin talaga ang tumakbo sa bundok lalo na dito sa Tanay. Marami pa ring mga puno at malinis na ilog na aking nadaanan na nagbigay kulay sa pagtakbo.
 |
sa wakas, ang finish line |
Laging mahirap sa umpisa at minsan iisipin mo na ayaw mong tapusin, sa huli, ang iyong katawan at isipan ang magsasabi kung iyong ipagpapatuloy.
 |
mga bagong kaibigan sa takbuhan |